^

Metro

Lolo na hit and run

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lolo na pinabayaang tumawid mag-isa sa ma­panganib na C-6 Road sa Taguig City ang nasawi makaraang mabundol ng isang rumaragasang motorsiklo, kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang nakilalang si Paulino Pagaduan, 67, ng  1B A. Reyes St., Purok 3 New Lower Bicutan, dahil sa matin­ding pinsalang tinamo  sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng motorsiklong may plakang 4208 QD na si Cyril Comendador, 21, ng Victory Hills Fortune, Marikina City pati na ang kanyang ka-angkas na si Eric Masangkay, 29, ng Gitnang Bayan, San Mateo, Rizal.

Sa ulat ng Taguig City Police, tumatawid na mag-isa sa naturang lugar ang biktima dakong alas-7:30 ng umaga nang mabundol ng motorsiklo ni Comendador.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang matanda habang sumemplang naman ang magkaangkas sa motorsiklo.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya laban kay Comendador sa Taguig City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

COMENDADOR

CYRIL COMENDADOR

ERIC MASANGKAY

GITNANG BAYAN

MARIKINA CITY

NEW LOWER BICUTAN

PAULINO PAGADUAN

REYES ST.

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with