Misis dakma sa buy-bust
MANILA, Philippines - Isang ginang ang naaresto ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos maÂkuhanan ng 95 gramo ng shabu sa buy-bust operation sa isang poÂpular na mall sa Mandaluyong City, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspect na si Alma Castillo, 54, may-asawa ng Aritao, Nueva Vizcaya.
Si Castillo ay naÂaresto ng mga operaÂtiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Wilkins VillaÂnueva matapos na bentahan ng shabu ang isang poseur- buyer sa may shopping mall sa Mandaluyong City.
Nasamsam sa suspect ang may 95.73 grams ng shabu.
Nakapiit ngayon si Castillo sa PDEA National Headquarters Detention Facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng ReÂpublic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest





















