^

Metro

Obrero dedo sa tandem

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang obrero ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng  dalawang hindi pa nakikilalang  suspect na riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Navotas Lying-in Medical Center ang biktimang  si Ace dela Cruz, ng #373 L. Santos St., Bgy.Tangos ng naturang lungsod sanhi ng tinamong dalawang tama ng kalibre .22 magnum sa katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang Navotas City Police laban sa dalawang suspect at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga ito. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente  dakong ala-1:30 ng madaling-araw, malapit sa bahay ng biktima ng naturang lugar.

Nabatid na mag-isang naglalakad si Dela Cruz pauwi sa kanilang bahay nang biglang lapitan ng mga  suspect na nakasakay  sa isang motorsiklo.  

Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima at matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga ito  habang dinala naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nasabing pagamutan,  subalit hindi na rin ito umabot ng buhay. Patuloy pa rin ang isinasawang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang motibo sa nasabing insidente gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

 

BGY

CRUZ

DELA CRUZ

MEDICAL CENTER

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NAVOTAS LYING

SANTOS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with