Suspect sa Western Union, tiklo
MANILA, Philippines - Isang suspect sa panloloob sa isang sangay ng Western Union sa Parañaque City ang nadakip ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa operasÂyong isinagawa sa Bacoor, Cavite.
Kinilala ni NCRPO Director Leonardo Espina ang naarestong suspect na si Melvin Labastida, 32-anyos, ng Bacoor, Cavite.
Natukoy ang pagkakakilanlan kay Labastida makaraang makabisado ng dalawang saksi sa krimen kabilang na ang security guard ng Western Union ang plaka ng ginamit na motorsiklo sa pagtakas.
Nakipag-ugnayan ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) hanggang sa maÂtukoy ang tinitirhan ng suspect sa Bacoor, Cavite. Positibo ring kinilala ng guwardya ng “courier company†ang suspect na kabilang umano sa anim na sumalakay sa kanilang branch kamakaÂilan at natangay ang nasa P60,000 pera.
Nakatakdang sampahan ng kasong robbery ang suspect sa Parañaque City ProÂsecutor’s Office.
- Latest

















