Carjacker, timbog
MANILA, Philippines - Hindi na nakapalag sa mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang isang hiniÂhinalang notoryus na carjacker makaraang maÂpaÂligiran ang pinagtataguang bahay nito sa Makati City nang ihain ang warrant of arrest, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang inarestong suspect na si Noel Taladtad, ng Hembrador, Pasay City. Nabatid na miyembro ang suspect ng notoryus na grupong Onad Carjacking Group.
Sa ulat ng SPD, nagsagawa sila ng operasyon upang ihain ang warrant of arrest na inilabas ng San Fernando, Pampanga Regional Trial Court Branch 42 at Pasig RTC Branch 71 dahil sa mga kasong carnapping at frustrated homicide.
Agad na pinaligiran ng mga pulis ang pinagtataguang bahay ni Taladtad sa may Apolinario St., Brgy. Bangkal, Makati dahil sa pagiging armado ng suspect. Hindi na nakapalag ito nang mabulaga ng mga pulis.
Nabatid na ang Onad Carjacking Group na pinamumunuan ni Ronaldo Santiago ay sangkot sa carjacking sa pamamagitan ng pagbundol sa target na sasakyan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Una nang naaresto noong Enero 2012 si Santiago at pitong tauhan ngunit nakalaya makaraang magawang makapagpiyansa.
- Latest















