^

Metro

Kolehiyala nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihinalang problema sa pag-aaral ang dahilan ng pagpa­patiwakal ng isang ko­lehiyala sa loob ng kanyang kuwarto sa Parañaque City.

Isinugod pa sa Ospital ng Maynila ngunit idineklara na ring patay si Rita Joy Bautista, 17, 2nd year student ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila, at dating naninirahan sa #1407 Interior I Gabriel St., Bgy. Bac­laran, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Paraña­que City Police, dakong alas-10:30 ka­ma­kalawa ng gabi nang madiskubre ang naka­bigting katawan ni Bautista ng ina nitong si Jenny Rose.

Paulit-ulit na kinakatok ng ina ang pinto ng kuwarto ng dalagita ngunit hindi ito sumasagot kaya puwersa­hang binuksan ang pinto at bumulaga ang nakabigting biktima.

Sa imbestigasyon, sinabi ng mga magulang ng dalagita na may kinakaharap umanong problema sa kanyang pag-aaral ang kanilang anak na hindi naman nito ipinagta­tapat.

Wala namang nakitang suicide note ang mga imbestigador sa silid ng biktima at wala ring ibang sugat bukod sa marka ng bigti sa leeg nito.

 

BAUTISTA

CITY POLICE

INTERIOR I GABRIEL ST.

JENNY ROSE

MAYNILA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

RITA JOY BAUTISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with