^

Metro

Ex- security guard, sinisilip sa mall robbery

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo na diumano’y mga dating nasibak  na security guards ang ilan sa mga suspect na sangkot sa mapangahas na pag-atake ng  Ben Panday gang sa jewelry store sa isang mall sa Mandaluyong City noong Enero 26 ng gabi.

Ayon ay PNP Chief Director Alan Purisima kabilang ito sa masusing sinisilip ng mga imbestigador habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agency(PNP-SOSIA) sa mga security guard na nasa ilalim ng apat na security agencies na nakatalaga sa mall na napag-alaman ding hindi lahat may armas kaya nalusutan ng robbery gang na umatake sa nasabing mall.

Ayon kay Purisima, pi­nag­tatagni-tagni na umano ngayon ang mga nakalap na tes­ti­monya at mga impormasyon para matumbok ang ugat ng krimen.

Kaugnay nito, inihayag ni Purisima na sa isinagawang pakikipagpulong sa mga security managers ng mga malls at iba pang mga stakeholders ay napagkasunduan na irebisa ang ipinatutupad na security systems sa mga malls.

 

AYON

BEN PANDAY

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

MANDALUYONG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

SECURITY AND INVESTIGATION AGENCY

SUPERVISORY OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with