^

Metro

Kuya kritikal kay utol

Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal ngayon ang buhay ng isang 35-anyos na obrero makaraang pagsasaksakin ng sarili nitong nakababatang kapatid, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Regie Sulima, residente ng Sitio Makipot, Brgy. Pulang Lupa 1, makaraang magtamo ng malalim na saksak sa katawan habang tumakas ang suspect na si Richmar Sulima.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas Police, naganap ang pananaksak dakong alas-11:45 ng gabi sa harap ng bahay ng magkapatid.

Ayon sa testigong si Doni­vic Gordo, 25, nag-iinuman sila ng biktima, kasama ang iba pa nilang kasamahan sa trabaho sa kanilang bahay sa Sitio Makipot nang lumabas sandali si Regie upang bumili ng sigarilyo.

Napadaan ang biktima sa isang umpukan ng inuman kasama ang kapatid nitong si Richmar. Hinarang ang biktima ng kapatid at kinompronta ukol sa matagal na nilang alitan. Naawat naman ang magkapatid ng mga kapwa obrero ngunit umuwi ang suspect at kumuha ng patalim saka binalikan ang kuya at inundayan ng saksak.

Kasong frustrated murder ang ihahain ng pulisya laban sa suspect sa Las Piñas City Prosecutors Office.

 

vuukle comment

AYON

CITY PROSECUTORS OFFICE

DISTRICT HOSPITAL

LAS PI

PULANG LUPA

REGIE SULIMA

RICHMAR SULIMA

SITIO MAKIPOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with