Killer ni Mayor Domingo dawit sa serye ng pagpatay sa QC
MANILA, Philippines - Bukod sa pagpatay kay Maconacon Mayor Erlinda Domingo, sangkot din umano ang suspect na si Alyas Bagwis sa mga serye ng pagpatay sa lungsod Quezon noong nakaraang taon.
Ito ang sinabi ni SPO4 Leonardo “Ding†Pasco, hepe ng Investigation Unit ng Quezon City Police District, matapos ang inisyal na imbestigasyon sa katauhan ni Marsibal Indaman “Bagwis†Abduhadi, 39, na naaresto nitong Sabado ng madaling araw sa kanyang lungga sa Barangay Culiat.
Ayon kay Pasco, kinilala ng ilang saksi sa apat na magkakahiwalay na krimen si Bagwis na kabilang sa insidente ng pananambang sa isang babae, isang pulis, at dalawang sibilyan na nangyari noong nakaraang taon.
Subalit, dagdag ni Pasco, blangko pa rin sila sa katauhan ni Bagwis kung ito ay miyembro ng hired killer o sadyang may kinalaman lamang ang pananambang nito sa iligal na droga.
Si Bagwis at kasama nitong babae na si Jennifer de Guzman ay nadakip sa ginawang pagsalakay ng tropa ng QCPD sa Brgy. Culiat, habang naghahanda sa pagtira ng shabu.
Narekober sa kanila ang isang Intratech submachine gun na may dalawang magazines na puno ng bala ng 9-mm, isang caliber .25 magazine at dalawang fragmentation grenades. Bukod pa dito ang apat na sachets ng shabu, apat na sachets ng cocaine at isang sachet ng marijuana, plus shabu paraphernalia ng aluminium foil, tooter at lighter.
Sabi ni Pasco, sasampaÂhan na nila ng kasong illeÂgal possession of firearms and ammunition and explosives, possession of illegal drugs at possession of drug paraphernalia, illegal use of insignia and PNP uniform si Bagwis; habang illegal possession of drugs at paraphernalia naman laban kay De Guzman.
Giit ng opisyal, bukod sa naturang kaso may beneberipika pa sila sa katauhan ni Bagwis at hinihintay na lang nila ang resulta nito para sa karagdagang kaso.
Sa kasong murder naman para sa pagpatay kay Mayor Domingo, sabi ni Pasco, na isusumite nila ngayon ang supplementary evidence sa piskalya tulad ng personal na pagtukoy ng testigong si Bernard Plasos na magpapatibay sa paghahain nila ng kaso laban dito.
Hindi namang tahasang sinabi ni Pasco ang posibleng isang hired killer si Bagwis at alam na nito kung sino ang mastermind, pero may mga info na umano sila na hindi muna anya nila ilalabas dahil sa imbestigasyong kanilang ginagawa.
Maaalalang si Domingo ay binaril sa labas ng Park Villa Apartelle sa panulukan ng Examiner St. at Quezon Avenue noong Martes ng gabi, habang sugatan naman ang driver bodyguard nitong si Plasos na tinamaan sa kaÂnang hita.
Kinilala ni Plasos si Abduhadi o Bagwis na siyang gunman. Tatlo sa mga suspect na kasamahan nito ay agad namang naaresto na sina Christian Pajenado, Michael Domingo at asawa ni Abduhadi na si Mary Grace at sinampahan na ng kasong murder at attempted murder sa Quezon City prosecutor’s office.
Ayon naman kay Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng Criminal Investigation and Detection Unit, nagawa nilang double-check pagkatao ng gunman kay Jaymar Waradji, isa sa mga suspect sa kaso ng pagpatay sa modelong si Julie Ann Rodelas at nakatira din sa Salaam Mosque compound.
Sabi ni Monsalve, si Waradji at Bagwis ay magkakilala nang ipakita sa una ang litrato ng huli at sinabi nitong ito nga si Bagwis.
- Latest
- Trending