^

Metro

Driver, binaril sa mukha todas

Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na pedicab driver ang binaril at  napatay ng hindi pa nakikilalang suspect habang lulan ng isang tricycle kasama ang live-in partner sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa  Gat Andres Medical Center ang biktimang si Jeffrey Callano ng 310 F. Varona St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa mukha habang inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspect na armado ng baril na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa Moriones St., malapit sa kanto ng Road 10, Tondo.

Nabatid na sakay ang biktima ng isang tricycle kasama ang kanyang live-in partner na si Liezel galing sa kamag-anak ng una nang pagsapit sa nasabing lugar  habang mabagal ang takbo ng tricycle nang lapitan sila ng suspect at walang sabi-sabing binaril ito.

Dahi dito agad na dinala sa ospital si Callano subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

 

vuukle comment

CALLANO

DAHI

GAT ANDRES MEDICAL CENTER

INAALAM

ISANG

JEFFREY CALLANO

MANILA POLICE DISTRICT

MORIONES ST.

RODEL BENITEZ

VARONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with