^

Metro

Tanod dedo sa ex-tanod

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta sa apat na tama ng bala sa katawan ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng kaalitang dating tanod, sa Sta. Cruz,  Maynila, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Elmer Dayon-dayon, 40, ba­rangay tanod sa Brgy. 313,  Zone 31 at residente ng CM Recto Avenue, Sta. Cruz.Nakatakas naman ang suspect na kinilalang si  Reggenald Larios, 43, kapitbahay ng biktima dala ang ginamit na kalibre .38 baril.

Sa ulat, alas-11:40 ng tang­­hali nang maganap ang pamamaril sa biktima sa panulukan ng D. Jose at T. Alonzo Sts.  sakop ng kanilang ba­rangay sa Sta.Cruz, Maynila.

Inabangan umano  ng suspect ang paglabas ng biktima ng bahay at nang matiyempuhan ay pinagbabaril. Hinihinalang ang madalas na panggugulo ng biktima o pangungulit sa mag-asawa kapag lasing ang isa sa dahilan sa isinagawang krimen.

 

vuukle comment

ALONZO STS

BRGY

BULAGTA

CRUZ

ELMER DAYON

HINIHINALANG

MAYNILA

RECTO AVENUE

REGGENALD LARIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with