^

Metro

Gunman ni Mayor Domingo, timbog na

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng mga elemento ng Quezon City police kahapon ng madaling-araw ang itinuturong  hired killer na sinasabing bumaril  at nakapatay  kay Maconacon Mayor Erlinda Domingo.

Kasama  ang  puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), Special Weapons and Tactics (SWAT) at ibang  division ng QCPD na pinamunuan ni QCPD chief  Richard  Albano ay sorpresang natimbog sa Salam Mosque compound dakong alas-12:30 ng madaling-araw  ang suspek na si Marsibal Abduhadi, alyas Bagwis.

Ayon kay  Albano, agad  na napaligiran   ng  mga awtoridad  si  Bagwis  at hindi na nito nagawang  makabunot ng baril nang  tangkain pumalag  sa mga  pulis.

Nabatid na sabog na sa­bog pa sa droga si Bagwis nang matunton ito ng mga pulis. Maging sa isinagawang interogasyon hindi nakakasagot ang suspect dahil sa sobrang bangag sa droga.

Nakumpiska kay Bagwis  ang 2 granada,  isang 9mm na baril, 2  sachet ng  shabu, 2 sachet  ng cocaine at  drug para­phernalias.

Napag-alaman pa na si Bagwis ang siyang nag-recruit sa iba pang suspect sa isinagawang pagpaslang kay Mayor Domingo.

Base sa report ng QCPD, isang A1 information ang kanilang natanggap na hindi umalis sa naturang lugar si Bagwis kundi lumipat lamang ng bahay  sa naturang lugar din matapos ang isinagawang krimen.

Sa pagkakaaresto kay Bagwis, naniniwala ang pu­­lisya na matutukoy na nila kung sino ang utak sa isina­gawang pagpaslang at kung ano ang motibo nito.

Magugunitang naunang nadakip ang mga kasabwat ni Bagwis ilang oras matapos ang naganap na pag-ambus sa mayor.

Ang mga ito ay nakilalang sina Christian Pajenado; Michael Domingo at Mary Grace Abduhadi. Ang tatlo ay sinampahan na ng kaso kamakalawa at walang piyan­sang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

 

vuukle comment

ALBANO

BAGWIS

CHRISTIAN PAJENADO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MACONACON MAYOR ERLINDA DOMINGO

MARSIBAL ABDUHADI

MARY GRACE ABDUHADI

MAYOR DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with