Jeepney driver utas sa tauhan ng MMDA
MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngaÂyon ang isang sinasabing tauhan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itinuturong sumaksak at nakapatay sa isang jeepney driver, kahapon ng madaÂling-araw sa Pasay City.
Nagtamo ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktimang si Johnny VillaÂruel, 44, at residente ng Pinagkaisa St., New Lower Bicutan, Taguig City.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Arnolfo FerrerÂ, 36, ng Apitong St., Brgy. Comembo, Makati City.
Sa pahayag ng saksing si Jocelyn Balberona, street sweeper, sa Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaÂling-araw sa may EDSA sa tapat ng Guanzon Motors. Nabatid na ipinarada ni VillaÂruel ang kanyang jeep sa tabi ng EDSA sa kabila na bawal ito at naidlip.
Ginising naman ito ng galit na si Ferrer at umano’y sinampal. Bumaba ng jeep ang biktima at hinabol umano ni Ferrer at nang maÂkorner ay sinaksak si Villaruel. Sinabi pa ni Balberona na maging siya ay tinarget umano ng suspek ngunit nagawa niyang makatago sa loob ng isang bar sa tabi rin ng EDSA.
Isinugod naman ng isang kapwa jeepney driver ang biktima sa San Juan de Dios Hospital ngunit nalaÂgutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunasÂ.
- Latest
- Trending