^

Metro

LPG sumabog: 12 sugatan

Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Labing-dalawang te­nants ng isang apartment ang na­sugatan nang sumabog sa ikalawang palapag ang umano’y may singaw na lique­fied petroleum gas (LPG), kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Isinugod sa Sta. Ana Hospital sina Federico Labao Jr., 32; Francisco Escorma, 39; Rose Marie Nieto, 9; Joan Cañada, 40-anyos na buntis; Nilo Cañada, 49; Gerald Baguio, 33, na may pinaka-grabeng lapnos  sa katawan; Ferdinand Funtado, 44 at Michael Jara, 33.

Dinala  naman sa Unciano Hospital  sina Coleen Kabalatungan, 36; Cedric Labao, 2, na may sugat sa ulo at braso; Uldarico Kabalatungan na tinamaan sa paa at braso; at John Ervic Ednilan, 1, na tinatahi ngayon ang ulo dahil sa pagkabiyak at ama nitong si  Joel Ednilan, na nagtamo rin ng sugat.

Dakong alas-8:30 ng gabi nitong Miyerkules nang maganap ang pagsabog, matapos umanong magluto sa LPG ang nakatira sa ika­lawang palapag.

Sinabi ni Joel Ednilan na nasa ikatlong palapag sila at naapektuhan lamang ng pagsabog mula sa ikalawang palapag at dahil sa lakas ng pagsabog ay nag-collapse ito at nabutas pa ang kongkretong pader na nakaapekto rin sa ground floor.

 

ANA HOSPITAL

CEDRIC LABAO

COLEEN KABALATUNGAN

FEDERICO LABAO JR.

FERDINAND FUNTADO

FRANCISCO ESCORMA

GERALD BAGUIO

JOAN CA

JOEL EDNILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with