Ballistic result sa kaso ni Nicole, inilabas na
MANILA, Philippines - Maituturing na absuwelto ang dalawang suspek hinggil sa kasong pagkamatay ng 7-anyos na si Stephanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw ng bala noong Bagong Taon matapos mag-negatibo ang ballistic report hinggil sa bala ng mga baril na kanilang pag-aari.
Ayon kay Caloocan City Spokesperson, Supt. Jack Castro Candelario, ayon sa report ng PNP Crime Lab, nag-negatibo ang bala sa mga baril na pag-aari ng mga suspek na sina Grene Milo Da, 62, kapitbahay ng pamilya Ella at John Agus.
Nabatid, na ang balang nakuha sa ulo ni Nicole ay hindi tumugma sa mga baril na pag-aari ng dalawa kung kaya’t posibleng maÂabsuwelto sila sa kaso ng pagkamatay ng naturang biktima.
- Latest
- Trending