^

Metro

Bebot lasog sa PUJ

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi nakikilalang babae ang nasawi matapos na mabundol ng humahagibis na pampasaherong jeepney sa may Quirino Highway sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Inilarawan ang biktima sa edad na 35-40, balingkinitan ang pangangatawan, nakasuot ng maong pants at kulay pink na t-shirt. Ang biktima ay nabundol ng isang jeepney na minamaneho ng isang Ronel Malte, 23, at naninirahan sa may Don Julio Gregorio, Novaliches sa lungsod.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may Quirino Highway sa harap ng Baesa Town Center, Baesa ganap na alas-6 ng gabi.

Sinasabing binabagtas ng sasakyan ni Malte ang Quirino Highway, galing sa Balintawak patungong direksyon ng Nova­liches nang pagsapit sa naturang lugar ay nabundol nito ang tumatawid na biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Agad namang inaresto ng mga opisyal sa barangay ang driver na si Malte  at dinala sa naturang himpilan.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap ngayon ng suspect, habang ang biktima ay nasa pangangalaga naman ng Everlasting Funeral homes para sa awtopsiya.

BAESA

BAESA TOWN CENTER

BALINTAWAK

DON JULIO GREGORIO

EVERLASTING FUNERAL

INILARAWAN

ISANG

QUIRINO HIGHWAY

RONEL MALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with