^

Metro

P5-M nakuha sa bahay ng contractor

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa P5 mil­yong halaga ng pera, alahas at mga gamit ang natangay sa  bahay  ng isang babaeng con­tractor makaraang pasukin at holdapin ng tatlong armadong kalalakihan ang kanilang bahay­ sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 10, nakilala ang biktima na si Melissa Makadaig, 38,  dalaga ng #153-C, Scout Fuentebella, Brgy. Sacred Heart sa lungsod.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang tinutugis ng tropa ni PS10 commander Supt. Marcelino Pedroso ang mga armadong suspect na sakay ng isang sports utility vehicle (SUV) ma­tapos na ma-trace ang kinaroroonan ng mga ito sa pamamagitan ng tracking device o global positioning system ng isang cell phone.

Sa ulat ng PS10, nang­yari ang insidente ganap na alas-11:30 ng umaga sa nasabing lugar­.

Sinasabing nagli­linis ang houseboy ng pamilya Makadaig na si Armel Hilario sa loob ng bahay nang biglang pumasok ang mga armadong suspect at tutukan ito ng baril sabay deklara ng holdap.

Matapos nito ay saka sinimulan ng mga suspect ang paghalughog sa buong bahay kung saan kinuha ang alahas na nagkakahalaga ng P5 milyon, cash P100,000, at  iba’t ibang gadgets tulad ng cellphone na may kabuuang halaga na P50,000.

Nang makuha ang pakay ay saka sumibat ang mga suspect sakay ng isang SUV na ginamit sa pagtakas. 

Patuloy ang follow-up operation ng mga opera­tiba laban sa mga suspect.

ARMEL HILARIO

AYON

MARCELINO PEDROSO

MELISSA MAKADAIG

QUEZON CITY POLICE STATION

SACRED HEART

SCOUT FUENTEBELLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with