2 anak nilason, ama nag-suicide
MANILA, Philippines - Patay na nang maÂÂtagpuan ng isang ginang ang kanyang asawa at kanyang daÂlawang anak kahapon ng tanghali sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jacinto de Guzman, alyas JessieÂ, 38, at mga anak na sina Jennifer, 16; at Jeramil de Guzman, 17, pawang residente ng #2411 Leonor Rivera St., Sta. Cruz.
Sa ulat ni PO3 Paul Dennis Javier, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng tanghali nitong Linggo, nang madiskubre ni Editha de Guzman na patay na ang kanyang mag-aama.
Bumubula ang bibig ng mag-amang sina Jacinto at Jennifer, na magkatabi sa kama, dahil sa hinihinalang kemikal o silver cleaner na ininom habang si Jeramil naman ay wala ding buhay sa lapag, na may mga pasa sa katawan at may tama ng matigas na bagay sa ulo, na hinihinalang ikinasawi nito.
Si Jennifer naman umano ay may mga gasgas din sa leeg na hinihinalang sinakal pa.
Posibleng sapilitang pinainom umano ng silver cleaner ang dalagita bago nagpakamatay sa pamaÂmagitan din ng pag-inom ng nasabing kemikal ang ama.
Ayon pa sa imbestigasyon, isang pinsan nina Jennifer at Jeramil na 9-taong gulang na nakaÂtira din sa nasabing bahay ang nakarinig ng pagmamakaawa at iyak ni Jennifer na noo’y nasa ikalawang palapag ng apartment ang mag-aama.
Sinabi naman ni Editha na pareho silang nagtitinda ng manok sa Trabajo market sa Sampaloc ng kanyang mister subalit kahapon ay nagsabi ito sa kanya na hindi makasasama dahil masakit ang tiyan.
Sa pag-uwi mula sa palengke ay nagulat siya nang matuklasang patay na ang kanyang mag-aama kaya luÂmabas ng bahay at nagsisigaw ng tulong sa pag-aakalang minaÂsaker ang kanyang pamilya.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa inÂsidente at sinisilip na anggulo na ang mismong ama ang may kagagawan ng pamamaslang bago nagpatiwakal.
Nakarekober din ng mga bagay na maÂaaring magdetermina sa pinaglagyan ng silver cleaner.
Maari ring magsilbing testigo at batayan ng pangyayari ang batang nakarinig sa kaganapan. Isinailalim pa sa awtopÂsiya ang mga bangkay sa Cruz Funeral Morgue.
- Latest