^

Metro

Most wanted sa Pasay dedo sa shootout

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang most wanted criminal at itinuturong pumatay sa isang pulis ang namatay matapos na makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, ang wanted na si Belo Tubat alias “Jr. Asin” na siyang itinuturong pumatay sa police na si PO3 Joey Salazar, may ilan taon na ang nakalilipas.

Ayon pa kay  Llorca, si Tubat ay hinihinala ring miyembro ng  gun-for-hire, drug pusher at may apat pang kataong napatay batay sa kanilang record.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Simeon Repicio ng Pasay City Police Criminal Investigation Division, ang insidente ay naganap dakong alas-11:00 ng gabi sa P. Celle St., ng naturang siyudad. Nakatanggap ng report ang tanggapan ng Warrant Section Pasay City Police, na ang akusado ay namataan sa nabanggit na lugar.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar­ upang ihain ang warrant of arrest nito, subalit nang mamataan ang paparating na awtoridad, agad na bunumot ng baril si Tubat at pinaputukan ang mga pulis. Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa napuruhan si Tubat, na dahilan ng agaran nitong kamatayan.

 

vuukle comment

BELO TUBAT

CELLE ST.

JOEY SALAZAR

JR. ASIN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY POLICE CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

RODOLFO LLORCA

TUBAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with