^

Metro

Tinedyer initak sa leeg ng pinsan, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 19-anyos na tinedyer ma­tapos tagain sa leeg ng kanyang pinsang lalaki na sinasabing may diprensya sa pag-iisip sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Allan­ Bautista ng 15-E, Block A, Sto. Niño St. sa Brgy. San Antonio.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspect na si Adonis Matutina ng Block 66, Lot 42, Yen St. sa Brgy. North Fairview.

Sa ulat ni PO2 Marlon dela Vega, ang suspek ay may regular monthly check-up sa mental health facility.

Ayon sa nanay ng suspek na si Aling Emma, ang kanyang anak ay dating naka-confine sa mental hospital kung saan umi­inom ito ng maintenance na gamot araw-araw.

Lumilitaw na nagpunta ang biktima sa bahay ng suspect para tumulong sa pag-aayos ng kanilang kusina.

Gayon pa man, hindi nagtagal ay umalis ang biktima, pero agad ding bumalik kung saan naabutan ang suspect na nakaupo sa harap ng pintuan. Dito na sinalubong ng suspek ang kanyang pinsan saka ti­naga sa leeg kung saan bagama’t sugatan ay nagawa pang makatakbo papunta sa bahay ng kanyang ka­patid na babae pero duguang bumuwal din ito.

Isinugod sa Fairview General Hospital pero idineklarang patay ang biktima.

ADONIS MATUTINA

ALING EMMA

BLOCK A

BRGY

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

SAN ANTONIO

YEN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with