^

Metro

Dalaga tumungga ng lason

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang 26-anyos na dalaga ang nasawi  makaraang tumungga  ng isang bote ng silver cleaning solution kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Navotas.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Carlota Aure, 26, ng Brgy. North Bay Boule­vard South, ng naturang lungsod.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Navotas City Police, dakong  alas-12:10 ng madaling- araw habang  ang biktima kasama ang iba pang mga kaanak at mga ka­ibigan ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Biglang nagpaalam ang dalaga na pupunta ng  banyo at makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito sa umpukan.

Subalit hindi pa nagtatagal ay bigla na itong nabuwal, nagsusuka at namimilipit sa sakit ng tiyan na naging dahilan upang dalhin ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay      

Nakarekober ang mga pulis ng isang  botelya ng silver cleaning solution na posibleng ginamit nito para kitlin ang sariling buhay. Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Wala namang alam na dahilan ang kanyang mga kaanak kung bakit kailangan nitong kitlin ang buhay.

 

vuukle comment

BIGLANG

BRGY

CARLOTA AURE

HABANG

ISANG

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULE

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with