Sekyu ng ABS-CBN, utas sa tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang 47-anyos na security staff ng isang TV network matapos barilin ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon kahapon.
Si Antonio De Guzman, events security ng ABS-CBN at residente ng Salvia Street, St. Dominic Subdivision, Brgy. Kaligayan, NoÂvaliches, ay idineklaÂrang patay sa Far Eastern UniÂversity-Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) Medical Center dulot ng isang tama ng bala sa kaÂtawan.
Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng Quezon City Police District Criminal Investigation and DeÂtection Unit (QCPD-CIDU), nangÂyari ang insidente sa isang gasoline station sa Commonwealth Avenue malapit sa Don Jose Heights Subdivision, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.
Sinabi ni Peralta, kaÂbababa lamang umano ni De Guzman mula sa sasakyan ng kaibigang si Jose Vargas sa gasoline station, kung saan ito maghihintay na masaÂsakÂyang pampasaherong jeepÂney para makauwi ng bahay nang bigla umaÂnong sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang mga suspect.
Mula dito ay nagbunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang tagiliran saka mabilis na nagsipagtakas.
Dagdag ni Peralta, baÂgama’t sugatan nagawa pa ni De Guzman na maÂkapara ng taxi na minamaneho ng isang Pablito Aguilar, at nagpahatid sa may malapit na ospital kung saan ito idineklaÂrang patay ganap na alas-7:45 ng umaga.
Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente, upang mabatid ang motibo ng pamamaril sa biktima.
- Latest
- Trending