^

Metro

Kelot nagbigti o binigti?

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung nagpakamatay o sadyang pinatay ang isang 43-anyos na lalaki na naki­tang nakabigti kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Sa report ng pulisya, tinatayang may ilang oras nang patay bago nakita ang biktimang si Rizaldy­ Sicat, ng Bagong Silang St., Delpan, Binondo, Manila.

Ayon sa imbestigasyon,  dakong alas-4 ng mada­ling araw nang natagpuang nakabitin ang biktima sa kisame ng inuupahan nitong bahay.

Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi kung saan nakikipag-inuman sa kanyang ka­ibigang si Jus­tino Bello, 45, helper.

Isang Edwin Cusay, na security guard at kata­bing kuwarto ng biktima ang nakakitang nakabitin ang leeg ng huli sa kisame gamit ang isang electrical wire dahilan upang ipagbigay alam ito sa asawa na siyang nagreport sa pulisya.

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG ST.

BINONDO

DELPAN

HULING

INAALAM

ISANG EDWIN CUSAY

MAYNILA

RIZALDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with