^

Metro

Freelance model, kinulong, pinagdroga ng bf

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang  20-anyos na lalaki matapos umano nitong ikulong ang kanyang kasintahang modelo sa loob ng tatlong linggo kung saan sapilitan ding pinatikim ng droga upang makipagtalik sa kanya.

Nahaharap ngayon sa kasong  serious illegal detention at serious physical injuries in relation to violence  si Mark Anthony Soriano bunsod sa  kanyang ginawa kay Raquel Valladolid, 22,  isang  freelance model ng Bgy. Rizal, Makati City.

Ayon kay Valladolid, nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa braso at hita bukod pa sa nagdulot ito ng  trauma sa kanya.

Batay sa imbesti­gasyon ni PO1 Edith Chavez  ng Manila Police District Women and Children­’s Protection Section, si Valladolid ay inireport ng kanyang ina na tatlong araw nang nawawala matapos itong magpaalam sa kanya na magtatrabaho kasama ang kanyang kasintahang si Soriano. Dalawang buwan nang magkasintahan sina Valladolid at Soriano.

 Nabatid na nagawang makakontak  si Valladolid sa kanyang ina sa kanyang cell phone kung saan humihingi ito ng tulong at sinabing may nagbabanta sa kanyang buhay. Ma­tapos ito, na­matay na ang  cell phone ng biktima.

Linggo na nang ma­ka­usap ni Valladolid ang kanyang pinsan kung saan nabanggit nito na siya ay malapit sa Central Market sa  Recto, Manila. Agad namang humingi ng tulong ang ina ng biktima sa  MPD General Assignments Section.

Sinalakay naman ng  pinagsanib na puwersa ng MPD WCPS at GAS ang bahay ni Soriano sa Quezon Boulevard, Sampaloc, Manila at nailigtas ang  biktima.

“She was beaten. She was forced to take drugs and have sex with him.Bangag pa siya. Hindi pa normal kausap,” ani Chavez.

vuukle comment

CENTRAL MARKET

EDITH CHAVEZ

GENERAL ASSIGNMENTS SECTION

KANYANG

MAKATI CITY

MANILA POLICE DISTRICT WOMEN AND CHILDREN

SORIANO

VALLADOLID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with