^

Metro

Bangkay lumutang sa Ilog Pasig

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ang natagpuan na lumulu­tang sa Pasig River sa bisinidad ng Port Area, Maynila kahapon ng umaga.

 Inilarawan ang biktima na nasa  edad 50, may taas na 5’5, naka-stripe blue na polo shirt at berdeng short.

 Ayon kay Det. Anthony Boncan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-8:30 ng umaga  nang nakitang nakalutang ang biktima sa naturang lugar.

 Sa salaysay ng isang Ronnie Arcena, 28, vendor, naglalakad siya sa lugar nang mapansin ang nakalutang na katawan ng biktima kaya inireport niya sa pulisya.

 Nakitaan ng dalawang sugat ang biktima sa kaliwang noo at kaliwang kilay.

 Pinaniniwalaang dayo lamang sa lugar ang biktima  dahil walang nakakakilala dito.

 Una rito ay natagpuan din sa Pasig River ang lumulutang na bangkay ng isang matandang babae na pinaniniwalaang isa sa mga deboto ng Itim na Nazareno.

 

ANTHONY BONCAN

AYON

INILARAWAN

ISA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PASIG RIVER

PORT AREA

RONNIE ARCENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with