^

Metro

Anak ipinakulong ng ina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagawang ipakulong ng isang ina ang kanyang sariling anak matapos siyang suntukin nito nang mabigong bigyan ito ng pera at pagbantaan pang papatayin ang kanilang buong pamilya sa pamamagitan ng paghahagis ng granada sa kanilang tahanan sa Pasig City, kamakalawa ng gabi. Nahaharap na sa kasong physical injuries at threat ang suspek na si Aldrin Yamson, 43, walang hanapbuhay, matapos na ireklamo ng kanyang inang si Aling Ester, 66. Batay sa reklamo ni Aling Ester sa Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasig City Police, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy.  Malinao, Pasig City. Ayon kay Aling Ester, dumating umano ang anak at humi­hingi sa kanya ng pera at nang hindi niya ito mabigyan ay kaagad umano siya nitong sinuntok sa leeg. Hindi pa nasiyahan ay galit pa umanong nagbanta ang suspek na hahagisan ng granada ang kanilang bahay at papatayin silang lahat sanhi upang humingi na ng tulong sa Barangay Security Force (BSF) ang ginang at ipinaaresto ang sariling anak.

 

vuukle comment

ALDRIN YAMSON

ALING ESTER

AYON

BARANGAY SECURITY FORCE

BATAY

BRGY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

STATION INVESTIGATION DETECTION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with