^

Metro

Dermatologist kinatay sa bahay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan ang katawan ng isang dermatologist matapos na pagsasaksakin ng hindi nakikilalang salarin sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon, kaha­pon ng ma­daling-araw.

Si Dr. Russel Fritz Sali­ganan, 32, binata, ay na­tag­puan na lamang walang buhay ng kanyang kapitbahay habang nakahandusay sa loob ng kanyang tinutuluyang  Unit 32, F2 2nd Floor, Bantay St., Brgy. Kaunlaran sa lungsod ganap na alas-12 kagabi.

Sa ulat ni SPO1 Jogene Hernandez, natagpuan ang biktima ng isang Teresa Ro­mero, matapos na mapuna nito na bukas ang ilaw sa loob ng kuwarto nito.

Dala ng kuryusidad, nagpasyang su­milip sa bintana si Ro­mero kung saan nakita nitong nagkalat ang dugo sa loob.

Agad na ipinagbigay-alam ni Romero ang nakita sa awto­ridad kung saan natuklasan ang walang buhay na biktima.

Ayon sa residente, bago ang pangyayari, nakarinig umano sila ng mga kalabog mula sa kuwarto ng biktima, pero hindi nila ito pinaki­alaman hanggang sa kusang nawala ang ingay mula rito.Sabi ni Hernandez, posibleng nan­laban ang biktima sa suspect dahil sa mga nakitang sugat sa braso nito na indikasyon na sinangga nito ang pananaksak.Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente habang blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen­.

 

vuukle comment

AYON

BANGKAY

BANTAY ST.

BRGY

DALA

DR. RUSSEL FRITZ SALI

JOGENE HERNANDEZ

SHY

TERESA RO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with