^

Metro

Bata nabagsakan ng bubong ng waiting shed, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 9-anyos na grade 1 pupil ang nasawi makaraang mabagsakan ng bubong ng isang waiting shed habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jessabelle Homerez, 9, grade 1 student, na residente ng  Santan St., Ismar, Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Nabatid mula kay SPO3 Roger Villanueva ng Pasig police, ganap na alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang insidente  sa river wall ng Brgy. Kalawaan sa lungsod­.

Ayon sa report nakikipaglaro ang biktima sa kan­yang mga kaklase na kinilala lamang sa pangalang Ramon at Emalyn nang bumagsak ang bubong na may bakal ng waiting shed at nadaganan ang biktima.

Sinabi ni Brgy. Chairman Jimmy Lee, naisugod pa nila sa Pasig City General Hospital si Jessabelle pero agad din nalagutan ng hi­ninga.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Villanueva, nabatid na noong nakalipas na buwan ay tinanggal ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bubong ng waiting shed dahil itinaas ang pader o wall ng Pasig River.

Nang muli umanong ilagay ang bubong ay itinali lamang ng alambre na tiyempo namang bumigay nang ang mga bata ay naglalaro sa lugar.

Nagsasagawa pa nga­yon ng masusing imbes­tigasyon ang pulisya upang ma­tukoy kung sino ang dapat managot sa pagka­matay ng bata.

vuukle comment

BRGY

CHAIRMAN JIMMY LEE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JESSABELLE HOMEREZ

KALAWAAN

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG RIVER

ROGER VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with