^

Metro

4 bagets huli sa holdap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga ta­uhan ng pulisya ang apat na kabataang lalaki na mga suspek umano sa pambabato at panghoholdap ng mga motorista sa ilalim ng tulay ng Katihan construction site sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa kus­todiya ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang mga kabataang suspek na may mga edad na 15 hanggaang 17 anyos.  Isa sa mga suspek ang nakum­piskahan ng isang sumpak.

Sa ulat ng Muntinlupa Police­, nakatanggap ng pormal na reklamo ang mga ta­uhan ng Police Community Precinct (PCP) Poblacion ukol sa ginagawang pambabato ng mga kabataan sa mga sa­sakyang dumaraan sa ilalim ng Katihan Bridge cons­truction site sa Brgy. Poblacion.

Dakong alas-11:30 kama­kalawa nang gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis kung saan nasakote ang apat na menor-de-edad sa aktong pambabato ng mga sasakyan.

Ayon kay Muntinlupa Police chief, Sr. Supt. Conrado Capa, modus-operandi ng mga kabataan ang pambabato ng mga sasakyan sa dis-oras ng hatinggabi hanggang madaling-araw at kung sino ang hihinto ay kanilang hohol­dapin gamit ang nakum­piskang sumpak.

Bukod dito, malaking pa­nganib din sa mga motorista ang dulot ng pambabato ng mga kabataang suspek na ma­aaring may malubhang ta­maan at posible ring maging dahilan ng aksidente.

CONRADO CAPA

KATIHAN BRIDGE

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

PROTECTION DESK

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with