^

Metro

Pamilya ni Nicole binabantaan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatanggap ng pagbabanta ang pamilya ng 7-taon na batang nasawi noong Bagong Taon na tinamaan ng ligaw na bala mula sa baril na kalibre  .45 sa Barangay 185, Malaria, Caloocan City.

Nabatid sa tiyuhin  ni  Stephanie Nicole na si Marvin  Ella, noong Linggo ng gabi, may dalawang hindi kilalang lalaki ang bumaba sa motorsiklo  at dumiretso sa lamay ng kanyang pamangkin.

Bago umano umalis ay sinabihan sila ng isa sa mga lalaki na mag-ingat saka sumakay sa motorsiklo na walang plaka.

Dahil sa natanggap na pagbabanta ay uma­pela sa pulisya ang pamilya Ella na bigyan sila ng proteksyon para sa kanilang seguridad.

Samantala, muling nanawagan ang ama ni Nicole na si Aquilino Jr. sa kanyang mga kapitbahay na tumulong at  huwag matakot na tumestigo para malutas ang kaso ng kanyang anak.

“Sa mga kapitbahay namin, huwag silang matakot magbigay ng impormasyon, impormasyon lang ang kailangan namin at kailangan ng mga pulis para maresolba ang kaso ng aking­ anak, malaking tulong ’yan para kay Nicole,”  ayon dito.

vuukle comment

AQUILINO JR.

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

DAHIL

ELLA

LINGGO

MARVIN

STEPHANIE NICOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with