^

Metro

Killer ni Nicole, tukoy na ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspect na nagpaputok ng baril na nakatama at nakapatay kay Stephanie Nicole Ella noong pagsalubong sa Bagong Taon sa Caloocan City.

Ayon kay DOJ Secretary Leila De Lima, hindi muna maaaring ibunyag ang pa­ngalan ng nasa­bing suspect dahil nakikiusap aniya ang NBI.

Sinabi ni De Lima, sa loob ng linggong ito ay mahuhuli na ang naturang salarin na nagmamay-ari ng baril na nakapatay kay Stephanie Nicole.

 Nabatid pa kay De Lima na sa ngayon ay iniimbes­tigahan pa ng NBI kung ang suspect na kanilang natukoy ay tutugma rin sa resulta ng awtopsiya ng ahensya.

Kinumpirma rin ni De Lima na mayroon na ring testimonya ang testigo na posi­tibong nagtuturo sa salarin.

Una rito,  nagsagawa ng parallel investigation ang Death Investigation Division ng NBI sa pagkamatay ni Nicole na biktima ng ligaw na bala upang mas maging komprehensibo ang  resulta.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

DE LIMA

DEATH INVESTIGATION DIVISION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SECRETARY LEILA DE LIMA

STEPHANIE NICOLE

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with