^

Metro

Klase suspendido sa daraanan ng prusisyon: Maynila handa na sa pista ng Itim na Nazareno

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na handang-handa na ang pamunuan ng Manila City government sa itinu­turing na pinakamalaking prusisyon sa bansa sa Pista ng Itim na Nazareno bukas, Enero 9.

Kasabay nito, nilinaw naman ni City Administrator Jay Marzan na suspendido ang mga klase bukas, Miyerkules, sa mga paaralang maaapektuhan ng prusisyon.

Kabilang dito ang A. Mabini Elementary School, Geronimo Santiago Elementary School, Ramon Avanceña High School, Manila High School, V. Mapa High School, Araullo High School, City College of Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at  Manila Science High School.

Ani Marzan, sa mga pribadong eskwelahan na maaapektuhan din ng prusisyon,  nais aniya ng alkalde na ang pamunuan na mismo ang magpasya kung ikakansela ang klase.

Kabilang sa ginawang paghahanda ng city hall para sa ‘Translacion’ ang pagsasaayos ng mga daraanan tulad ng kalye, lightings, stage at iba pang kakailanganin, sanitation tulad ng portalets at pagtutok ng department of public service na pinamumunuan ni ret. Supt. Carlos Baltazar. Pakikipag-ugnayan sa National Parks Authority para sa gagamiting  Quirino Grandstand  at pasilidad ng Luneta Park at pag-aantabay ng mga nakatalagang  miyembro ng Manila Disaster office, na makikipag-ugnayan naman  sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kasado na rin ang seguridad at kaayusan, ani Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Alex Gutierrez.

 

ALEX GUTIERREZ

ANI MARZAN

ARAULLO HIGH SCHOOL

CARLOS BALTAZAR

CITY ADMINISTRATOR JAY MARZAN

CITY COLLEGE OF MANILA

DIRECTOR CHIEF SUPT

GERONIMO SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL

HIGH SCHOOL

KABILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with