^

Metro

Total ban ng paputok sa Maynila suportado ni Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang madugong sinapit ng mga biktima ng paputok na ikinamatay din ng isang paslit sa Caloocan City, suportado ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang total ban sa lahat ng uri ng paputok at pyrotechnics sa lungsod.

Nabatid na inatasan ni Lim si secretary to the ma­yor Atty. Rafaelito Garayblas na sumulat sa konseho ng Maynila para sa ordinansa para dito.

Ayon kay Garayblas, naniniwala ang alkalde na dapat na magkaisa ang executive at legislative branch ng city government upang tuluyan nang maipagbawal ang paggamit ng iba’t ibang uri ng paputok.

Bagamat sapat ang  umiiral na batas (RA 7183), kailangan pa rin ang  mas mahigpit na pagpapatupad nito kung saan  dapat na magkaroon ng koordinasyon ang barangay at pulis.

May criminal at admi­nistrative liability  ang mga barangay officials at pulis sakaling may paglabag sa batas na mangyari sa kanilang nasasakupan.

Giit ni Lim, kung naipagdiriwang  ng Davao City ang  New  Year’s Eve ng walang   namamatay maaari din itong mangyari sa Maynila kung  isasakatuparan ang ordinansa.

Dagdag pa ng alkalde, pinananawagan ng lungsod ang paggamit ng kaldero at torotot tuwing New Year.

 

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

DAVAO CITY

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

NEW YEAR

RAFAELITO GARAYBLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with