^

Metro

Bebot kritikal sa pananaksak ng live-in partner

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ngayon ang isang babae  nang saksakin ito ng kanyang live-in partner dahil sa matinding pagseselos ng huli  kamakalawa  sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Camille Tiana, 20, ng Interior, Barangay 33 ng nabanggit na  lungsod.

Hinahanting naman ng pulisya ang suspect na si Jerry Talinga, 25, ng nasabing lugar.

 Ayon  sa Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-live-in sa lugar na nabanggit.

Nabatid, na nagselos ang suspect dahilan upang magtalo ang mga ito at dito na kumuha ng patalim ang lalaki hanggang sa inundayan nito ng ilang saksak ang biktima.

Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital at ang suspect naman ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CAMILLE TIANA

HINAHANTING

INOOBSERBAHAN

JERRY TALINGA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with