Nicole, ibuburol sa kanyang paaralan
MANILA, Philippines - Bago ilibing, ibuburol muna ang labi ni Stephanie Nicole Ella, 7, sa kanyang pinapasukang eskwelahan sa Caloocan City sa daraÂting na Biyernes, Enero 11.
Ito ay bilang kahilingan ng principal at mga guro ng Tala Elementary School, na kung saan dito nag-aaral ang batang si Nicole.
Lubhang nagluluksa ang mga guro, kaklase at kaibigan ni Nicole kasabay ng panghihinayang lalo pa’t ipinakita nito ang kanyang talino at galing sa pag-aaral.
Nais ding ipakita ang naÂging epekto ng walang paÂkundangang pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon.
Ayon sa mga magulang ni Nicole, pansamantalang ililipat ang burol sa eskwelahan ng kanilang anak.
Pagsapit ng gabi ay dadalhin ang labi nito sa the Lord’s Flock Sanctuary Church sa Tala at mananatili itong nakaburol ng magdamag bago iliÂbing kinabukasan, araw ng Sabado sa Sanctuario de Paz sa Norzagaray, Bulacan.
- Latest