Kelot na armado ng toy gun, utas sa tandem
MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng walang plakang motorsiklo at armado ng toy gun ang bumulagta sa ibabaw ng Pres. Quirino Bridge matapos barilin ng riding-in-tandem sa San Andres, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang lalaking inilarawan ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section na nasa edad 35-40, may taas na 5’3’’, nakasuot ng itim na t-shirt, checkered na shorts, pulang tsinelas, mahaba at kulot ang buhok.
Tumakas naman ang riding-in-tandem na armado ng mga baril matapos ang pamamaslang sa biktima dakong alas-11:50 ng gabi kamakalawa.
Sa imbestigasyon, magkasunod lamang umanong bumabaybay ang scooter ng biktima at dalawang suspect at pagsapit sa Quirino Bridge ay binaril na sa sentido ang biktima. Agad na namatay ang biktima at narekober sa kanya ang isang toy gun.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para matukoy ang mga sangkot at makilala ang biktima.
- Latest