^

Metro

7-anyos na na-comatose sa stray bullet, pumanaw na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang binawian ng buhay ang pitong taong gulang na batang si Ste­phanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo sa lungsod ng Caloocan noong kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kay  Aquilino Ella, lolo ng bata, dapat na pagbayaran ng taong sangkot ng pagkamatay ng kanyang apo, sabay sabing  “uusigin ka ng konsensya mo.”

Ayon kay Jay Ella,  tatay ng biktima, masuwerte sila sa kanilang anak na si Ste­phanie dahil naiintindihan nito ang kalagayan ng kanilang buhay.  Sa edad anya na pitong taong gulang, nauunawaan na umano nito kung papaano pahalagahan ang pera dahil batid anya nito kung paano hihingi sa kanila.

“Madali siyang maka­unawa, pag humingi siya at walang maibigay hindi na nagpupumilit, hindi  siya materyalistik,” paglalahad ni Jay.

Noong nakaraang Pasko, sabi ni Jay, wala umanong hiniling na anumang regalo ang bata sa kanila, sa halip ay nagsalu-salo na lang sila sa kaunting pagkaing kanilang inihanda.

Bukod dito, nauna nang binanggit ni Jay na isang masayahing bata rin umano si Stephanie at palaging sinasabi na gusto niyang yumaman para makatulong sa pamilya.

“Malikot din, makulit, pero isa siyang masayahing bata. ’Pag sinuway mo titigil na. Mahilig siyang­ mag-aral, ma­hilig magbasa, mag-drawing,” sabi ni Jay.

Nang mang­yari ang insidente, nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon at nanood ng fireworks display ang pamilya Ella sa labas ng kanilang bahay nang biglang bumulagta ang bata. Unang inakala niyang napatid o nadulas lang ito, pero nang buhatin ay nakita nilang umaagos ang dugo sa ulo nito.

Agad nilang itinakbo ang bata sa EAMC kung saan nalaman na tinamaan ang una ng ligaw na bala sa ulo at doon nagsimulang makipaglaban ito para mabuhay.

Marami ang nakisimpa­tiya sa pamilya Ella at humi­ling ng dasal para mabuhay ang bata. Bumuhos din ang tulong sa mga nagmamalasakit na mamamayan para sa mga ito.

Sa nakalipas na isang araw, tanging respirator na lamang ang nagpapa­gana sa bata kung kaya ito nana­tiling nakikipaglaban sa kamatayan.

Pero kahapon ng hapon, ganap na alas-2:26,  tuluyan na itong binawian ng buhay. 

Umaasa ang pamilya na mabibigyan ng hustisya ang bata sa tulong ng mga awtoridad.

Ayon kay Dr. Emmanuel Bueno ng East Avenue Me­dical Center, alas-2:26 ng hapon nang sumakabilang buhay ang bata matapos ang walong cardiac arrest.

Sabi ni Bueno, hindi na anya nakayanan ng katawan ng bata ang ika-walong cardiac arrest kung kaya nagdesisyon na ang mga magulang nito na itigil na. Bumuhos naman ang emosyon sa pamilya ni Nicole sa pangyayari at iginigiit ang hustisya para sa kanilang anak.

 

AQUILINO ELLA

AYON

BAGONG TAON

BATA

BUMUHOS

DR. EMMANUEL BUENO

EAST AVENUE ME

ELLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with