^

Metro

92 arestado sa iligal na paputok sa MM

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 92-katao ang nasakote habang limang sasak­yan kabilang ang truck na kargado ng  illegal na  paputok at pyrotechnics ang nasabat ng mga operatiba ng pulisya sa serye ng operasyon sa Metro Manila kahapon sa mismong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Leonardo Espina, alas-7 pa lamang ng umaga ay nagsimula  ang operas­yon ng arresting team ng pulisya kontra sa illegal na mga paputok at pyrotechnic sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bilang bahagi ng pakikiisa sa “Iwas Paputok” ng Department of Health (DOH).

Nasa 170 ang inila­tag na operasyon ng pu­lisya kung saan kabilang sa mga naharang ay ang truck na kargado ng mga paputok at pyrotechnics na tangkang ipuslit papasok sa Maynila.

Kabilang sa karga ng truck ay 639 kahon na naglalaman ng 660 piraso ng piccolo, isa sa mga ipinagbabawal na paputok ng DOH na lubhang delikado lalo na sa mga bata.

Dalawa ring pick-up na may kargang firecrackers at pyrotechnics ang nasabat sa Quezon City kung saan apat pang sibilyan ang nakumpiskahan ng mga bawal na paputok.

Samantala, dalawa namang jeepney na naglalaman ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic ang naharang ng Eastern­ Police District.

Anim-katao ang na­­dakma matapos ma­kumpiskahan ng illega­l na paputok sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Sina Jayson Ara­bejo, 33; Emmanuel Mauhay, 19; at  si Jessie Ariola, 33, ay nadakip sa kahabaan ng Barangay Road 1, San Miguel Heights kamakalawa ng gabi.

Samantala, si Jonalyn Suclan, 36, ng Caloong 2 St., Barangay Caloong ay nadakip din habang sina Henry Babasa, 23, ng Ba­ rangay Marulas at Manuel Feliciano, 46, ng Magsaysay St., Doña Ata Subdivision ay nadakip naman sa Pio Valenzuela Market.

Aabot din sa apat na stalls sa National Capital Region na nahuling nagtitinda ng mga malalakas at delikadong uri ng paputok ang ipinasara ni Espina na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa 35 vendors.

Siyam na insidente ng indiscriminate firing ang naitala sa NCRPO kung saan siyam na baril at mga basyo ng bala ang nasamsam.

Patuloy namang nakaalerto at mahigpit ang monitoring ng kapulisan laban sa mga lalabag sa paggamit ng illegal na paputok. (Dagdag ulat ni Ricky Tulipat)

 

ATA SUBDIVISION

BAGONG TAON

BARANGAY CALOONG

BARANGAY ROAD

CHIEF P

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA

PAPUTOK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with