^

Metro

Kelot tinigok ng kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang namahinga ang isang 40-anyos na lalaki nang pasukin ito sa kaniyang silid ng kapitbahay at pagbabarilin, bago iniwang walang buhay sa Paco, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Namatay  mismo sa kaniyang kuwarto ang   biktimang si Michael Flores, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng B Int.4 Antonio Isip St. Paco, Maynila sanhi ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi  ng katawan.

Testigo naman sa insidente ang live-in partner ng biktima na kinilalang si Rowena Patalita, 36, na nagsabing ang responsable sa pamamaril ay ang kapitbahay na si  Richard Burgos, alyas “Richard Pilay”  ng  Paco, Maynila na mabilis na tumakas sakay ang kanyang kulay gray na Mitsubishi Lancer (SEW 446).

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas- 5:00  ng hapon ng maganap ang insidente sa  kuwarto ng biktima.

Sinabi ni Patalita na nakaupo siya sa hagdanan ng kanilang bahay nang duma­ting ang suspect at hinanap ang kanyang live-in partner at sinabi niyang puntahan na lamang ito sa kuwarto.

Kasunod nito ay naka­rinig na si Patalita ng mga putok ng baril at nang kanyang tunguhin ang silid ng ka-live in ay dito niya nakitang duguan na ito at nakahandusay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpatay.

 

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

ANTONIO ISIP ST. PACO

B INT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHAEL FLORES

MITSUBISHI LANCER

PATALITA

RICHARD BURGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with