^

Metro

Trader patay sa boga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang buy-and-sell agent matapos barilin ng isa sa apat na hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay naglalakad kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa leeg ang biktimang si Alex Sy, 50,  residente ng  Road 2, Balubaran, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na suspek at nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis laban dito.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa pagitan ng Teodoro St., 10th at 11th Avenues ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar,  nang harangin ito  ng mga suspek at komprontahin hanggang sa naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at saka binaril ang biktima. Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang naiwan ang duguan at walang buhay na biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente.

vuukle comment

ALEX SY

BALUBARAN

BRGY

CALOOCAN CITY

DAKONG

INAALAM

MALINTA

MATAPOS

TEODORO ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with