^

Metro

Binata dinedo ng pinsan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na binata ang pinatay sa saksak ng kanyang pinsan habang ito ay nakikipag-inuman kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Me­morial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib ang biktimang si Alfredo Tulagan,  driver, residente ng Diwa St., 8th Avenue, Brgy. 59 ng nasabing lungsod.

Nasa custody naman ng Caloocan City Police ang suspek na si  Mario Tulagan, 44.

Ayon sa Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-4:40 ng hapon sa isang tindahan malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar habang nakikipag-inuman ito sa mga kaibigan nang dumating ang suspek na pinsan. Tinapik muna sa balikat at binati pa ng suspek ang biktima bago bumunot ng patalim at sinaksak ito.

Matapos ang insidente ay sumuko sa mga pulis ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa isinagawang pananaksak.

vuukle comment

ALFREDO TULAGAN

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DIWA ST.

ISANG

MARIO TULAGAN

MEDICAL CENTER

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with