^

Metro

Bebot ginilitan, itinapon sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng babae na may gilit sa leeg at mga saksak sa katawan ang natagpuan sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isina­larawan sa edad na 25-30, chubby, morena, may taas na 4’8’’, nakasuot ng itim at puting stripe na t-shirt at itim na short pants, may mga hikaw ang tenga at headband.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima ay nadiskubre sa harapan ng isang bahay sa Puray St., cor. Santol Avenue­, Brgy. Santol, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Sinabi ni Tejerero, ilang concerned citizen ang nakakita sa biktima at agad na ipinagbigay-alam sa mga opisyales ng Brgy. Santol na siya namang tumawag sa kanilang tanggapan para sa imbestigasyon.

Pinaniniwalaan ng CIDU na itinapon lamang sa lugar ang biktima, dahil walang sinumang residente ang naka­kakilala rito. Maaring may ka­tagalan na ring naka­handusay sa lugar ang biktima, dahil tuyo na ang dugong umaagos mula sa kanyang katawan.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng hiwa sa kanyang leeg, saksak sa kaliwang ka­tawan, at kaliwang hita.

Ang bangkay ng biktima ay nakalagak ngayon sa St. Rafael Funeral Homes para sa kaukulang disposisyon, habang iimbestigahan pa rin ang nabanggit na kaso.

 

ANTHONY TEJERERO

AYON

BIKTIMA

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

PURAY ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SANTOL AVENUE

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

ST. RAFAEL FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with