^

Metro

Inaway ng nobya, kelot nag-suicide

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ilang araw matapos makasamaan ng loob ang kanyang live-in partner, isang lalaki ang natagpuang nakabigti sa loob ng inuupahan niyang kuwarto sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang bangkay ni Mark Anthony Manalo, 28, ay nadis­kubre ng kanyang kapatid na si Mary Jane sa loob ng kanyang kuwarto sa J.P. Laurel St. sa Bgy. Commonwealth ganap na alas-9:10 ng umaga.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakabitin mula sa kisame ng kanyang kuwarto gamit ang electrical cord na ipinalupot sa kanyang leeg.

Sinabi ni Mary Jane, 26, kalive-in umano ng kanyang kapatid ang isang nagngangalang Wilma subalit nagkaroon ng pag-aaway nitong Biyernes kung saan iniwan ng huli ang  biktima.     

Huling nakitang buhay si Manalo ganap na alas-11 ng gabi habang bumibili ng sigarilyo sa tindahan.

Ayon kay  Mary Jane pinuntahan niya  ang kapatid para tignan ito dahil ang kwarto nito  ay hindi nakasara hanggang sa nakita  niya ang  kapatid na nakabigti. 

Dagdag pa ni Mary Jane, pera at selos ang umano’y madalas na pinag-aawayan ng  dalawa.

vuukle comment

AYON

BGY

BIYERNES

DAGDAG

HERMOGENES CAPILI

HULING

LAUREL ST.

MARK ANTHONY MANALO

MARY JANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with