^

Metro

‘Tulak’ sa droga, patay sa boga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 38-anyos na umano’y ‘tulak’ ng droga nang pagtulungang barilin ng ilang kalalakihan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Victor Suratos, ng Ma. Guizon St., Tondo,  sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib.

Apat umanong hindi pa tukoy na mga lalaki at armado ng kalibre .45 baril ang tumakas matapos ang pamamaril.

Dakong alas-10:20 ng umaga nang maganap ang pama­maril sa may riles sa loob ng Philippine National Railways (PNR) compound sa Tondo habang nakatayo umano ang biktima nang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sa­bing pinagbabaril, dahilan upang magtakbuhan pa umano ang ilang mga lalaking hinihinalang ‘iskorer’ o bumibili ng shabu.

Matapos ang pamamaril ay kaswal lamang na lumakad papalayo sa lugar ang mga suspect  habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay.

May dati na umanong kaalitan ang biktima at naka­barilan pa, na isang alyas “Dikya” kaya patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

APAT

DAKONG

DIKYA

GUIZON ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MATAPOS

MAYNILA

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

VICTOR SURATOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with