^

Metro

Bebot, pinaslang sa mismong birthday

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang araw ng kanyang kaarawan ang naging araw din ng kamatayan ng isang babae ma­tapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa Pasig City kahapon ng mada­ling-araw.

Dead-on-arrival sa Rizal Medical Center, ang biktimang si Renzi Navarro, 24, mas kilala sa alyas na Karen, at residente ng Interior Quirino Avenue, San Dio­nisio, Parañaque City, bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Malaki naman ang posibilidad na kilala umano ng biktima ang suspek dahil bago ang krimen ay nakita pa umanong magkausap ang dalawa.

Batay sa report na nakarating kay P/Supt. Cipriano Galanida, De­puty Chief of Police for Operations ng Pasig City Police, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa biktima  sa madilim na bahagi ng San Agustin St., sa Brgy. Malinao, Pasig City.

Bago ang pamamaslang ay magkasama umano ang biktima at kaibigang sina Christine Lazo at Leo Cali­ngasan sa bahay ng huli sa Barangay Malinao, dakong alas-2:00 ng ma­daling-araw.

Nag-iinuman umano ang tatlo dahil ipinagdiriwang ng mga ito ang birthday ng biktima kahapon, Disyembre 19.

Gayunman, maka­lipas ang halos isang oras at kalahati ay nagpasya naman umano ang  biktima at kaibigang si Lazo, na sunduin ang isa pa nilang kaibigan na si Armando ‘Junior’ Eduenga na nakatira lang umano sa nasabi ring barangay.

Sa salaysay ni Lazo sa pulisya, habang pabalik sila sa bahay ni Cali­ngasan ay may kuma­usap umanong isang lalaki sa biktima sa isang madilim na eskinita. Nagulat na lang umano sina Lazo at Calingasan nang biglang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang kanilang tingnan ay nabatid na ang biktima pala ang pinagbabaril kaya’t isinugod nila sa pagamutan, ngunit­ nasawi rin.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang krimen upang matukoy ang motibo at kung sino ang may kagagawan nito.

vuukle comment

BARANGAY MALINAO

BIKTIMA

CHIEF OF POLICE

CHRISTINE LAZO

CIPRIANO GALANIDA

INTERIOR QUIRINO AVENUE

LAZO

LEO CALI

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with