^

Metro

Mga driver, pasahero nalito: Bus segregation scheme, nagdulot ng matinding trapik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdulot ng ma­tinding pagkalito sa mga  tsuper ng mga pampasaherong bus ang unang araw ng pagpapatupad ng  bus segregation scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng EDSA kahapon.

Karamihan ng mga bus driver ay hindi nakakasunod at hindi humihinto sa mga designated bus station, partikular sa bahagi ng Kamuning, Quezon City hanggang Santolan.

Nabatid na kapansin-pansin na hindi nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero sa mga designated station ang mga bus kung kaya nagdulot ito ng trapik patungo sa katimugang bahagi ng EDSA.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino,  inaasahan na nila  na magkakaroon ng pag-aalinlangan sa mga driver­ ang pagpapa­tupad ng bagong scheme.

Napag-alaman na sa  MMDA bus segregation scheme, ang mga bus na may marking na A at B ay doon lamang maaaring magbaba at magsakay ng pasahero sa kani-kanilang markadong bus stop.

Sa ilalim ng scheme, lahat ng bus na may marking A ay doon lamang titigil sa Southbound: Ermin Garcia, Arayat Cubao, VV Soliven, Connecticut, Shaw Starmall, Guadalupe, Buendia Ave. at Mantrade.  Kung Northbound naman: Ermin Garcia, Cubao Farmers, Boni Serrano, SM Megamall, Shaw Blvd., Guadalupe, Buendia Avenue at Magallanes.

Habang ang mga bus na may marking B ay doon titigil sa Southbound: Kamuning, Monte de Piedad, Main Ave., POEA Ortigas, Pioneer/Boni, Estrella,at  Ayala Ave. Kapag North­bound naman ay sa Ba­liwag/5Star, Main Ave., Ortigas Ave., SM Megamall, Pioneer/Boni, Estrella at  Ayala Avenue­.

Kaugnay nito, mariing iginiit ni Tolentino na hindi nila papapasukin  sa EDSA  ang mga kolorum na bus o iyong mga bus na walang maayos na stickers at marka.

ARAYAT CUBAO

AYALA AVE

AYALA AVENUE

BONI

BONI SERRANO

BUENDIA AVE

BUS

ERMIN GARCIA

MAIN AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with