^

Metro

‘White lines’ inilatag ng MMDA sa Baclaran

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa layuning mapaluwag ang kahabaan ng Redemptorist Road sa Baclaran, nag­latag ng puting linya ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) upang makontrol ang espasyo na paglalagyan ng paninda ng mga vendors na naghahanapbuhay sa pamilihan sa Parañaque City.

Sa ipinatutupad na alituntunin, nagtalaga ang MMDA ng mga limitasyon sa mga lugar na paglalagyan ng paninda ng mga vendors at ginuhitan ito ng puting pintura.  Kinakailangan na hindi lumagpas ang mga paninda ng mga tindero sa naturang linya upang may madaanan ang mga sasakyan at ang tao.

Plano rin ng ahensya na magpatupad ng “rotating schedule” o palitan ng oras ng pagtitinda sa mga vendors upang hindi nagsisiksikan ang mga ito sa kal­sada.  Nais din ng MMDA na maglagay ng mga barikada at magpatupad ng ID system para makilala ang mga lehitimong  vendors sa mga iligal.

Ngunit ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, marami talaga sa mga iligal vendors ang nais na makalamang sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pekeng ID. Iginiit nito na ang kal­sada ay pagmamay-ari ng taumbayan at hindi ma­aaring paupahan.

Matatandaan na may ilang taon nang nilalabanan ng grupo ng lehitimong mga may-ari ng puwesto ang mga iligal vendors na naghahari sa Baclaran na may basbas umano ng ilang maimplu­wensyang opisyal.

Maging ang parokya ng Simbahan ng Bac­laran ay kinalampag din ang pamahalaang lokal ng Parañaque dahil sa pagpapasa ng ordi­nansa kada taon na pinapa­yagan na magkaroon ng “flea market­” sa Redemptorist Road sa paligid ng simbahan.

BACLARAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

IGINIIT

KINAKAILANGAN

MATATANDAAN

METROPOLITAN MANILA DEVE

NGUNIT

REDEMPTORIST ROAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with