^

Metro

26 sako ng pampasabog nasamsam sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) -Anti-Organized Crime Division (AOCD)  ang may 26  na sako ng sangkap ng pampasabog sa isinagawang pagsalakay sa isang duplex na mata­tagpuan  sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Arestado ang isang Joel Antonio na siyang­ dinatnan ng mga ope­ratiba  sa 2725 P. Guevarra St., Sta.Cruz, Maynila, dakong alas- 8:00 ng umaga kung saan nakuha ang nasabing mga pampa­sabog.

Ayon sa  NBI,  ang naturang mga sako ay may lamang ammonium nitrate na gina­ga­mit na sangkap sa paggawa ng dinamita  at iba pang uri ng pampasabog na ikinubli sa label na  chick booster.

Itinanggi naman ni Antonio  na kaniya ang mga nasabing epektos, bagkus ay itinuturo niya ang  isang Willy Sanchez na nakiiwan lamang nito.

Nabatid na subject din sa search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court si Sanchez.

Ang laman ng mga sako ay may kapasidad na makabuo ng bomba na kayang pasabugin ang isang gusali.

Patuloy pang iniimbestigahan si Antonio upang matukoy kung saan gagamitin ang nasabing kemikal at kung may kaugna­yan  ito sa planong pag­hahasik ng terorismo.

 

vuukle comment

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

CRUZ

GUEVARRA ST.

JOEL ANTONIO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

WILLY SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with