^

Metro

Shootout: Karnaper todas, 3 pa arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dedo ang isang pi­naghihinalaang karnaper at tatlo naman ang na­dakip matapos na makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilala lamang  sa pangalang  “alias Owel”, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, kinilala naman ang mga nadakip na sina Sandro Santiago; Jake Linasan at Jimmy Balasta.       

Naganap dakong alas-4:30 ng hapon sa Kiko St., Suburban Village, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City.

Ayon sa ulat, bago naganap ang insidente ay nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis, na magkikita ang mga suspek sa nabanggit na lugar at magsasagawa ng illegal na operayon kaya’t isang team ng Caloocan City Police ang dineploy upang tumutok laban sa grupo ng mga karnaper.

Nabatid na nakatunog ang mga suspek na pa­rating ang mga pulis, kung kaya’t kaagad nila itong pinaputukan at gumanti naman ng putok ang nasabing mga alagad ng batas.

Tumagal ng ilang minuto ang barilan na nagresulta sa agarang pagkasawi ng isa sa mga suspek habang naaresto naman ang tatlong kasamahan nito.

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JAKE LINASAN

JIMMY BALASTA

KIKO ST.

SANDRO SANTIAGO

SUBURBAN VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with