^

Metro

Trader niratrat, utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yante, makaraang pagbabarilin sa ulo at katawan ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon kahapon.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Michael Domo, 34, ng Dama de Noche, Brgy. Payatas sa lungsod­.

Agad namang tumakas ang mga salarin makaraan ang pamamaril.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa harap ng Ritz and R. C Motorcycle Parts & Accessories na matatagpuan sa panulukan ng IBP road, corner Katuparan, Brgy. Payatas ganap na alas- 6:45 ng umaga.

Bago ito, magbubukas sana ng kanyang tindahan ang biktima nang duma­ting ang isang motorsiklo na may backrider at huminto sa harap nito.

Ilang sandali pa biglang bumunot ng baril ang back rider saka pinaputukan ng sunod-sunod sa ulo at katawan ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na sumakay ang gunman sa motorsiklo ng kasamahan at humarurot papalayo sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) narekober sa lugar ang limang basyo ng kalibre 22 na baril na ginamit ng suspect sa pagpaslang sa biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang posibleng motibo ng nasa­bing pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

C MOTORCYCLE PARTS

ILANG

KATUPARAN

MICHAEL DOMO

NANG

PAYATAS

RITZ AND R

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with